Ano ang mga uri at anyo ng tula?

Anonymous's picture
Anonymous

Ano ang mga uri at anyo ng tula?

Fri, 07/22/2011 - 11:08
Your rating: None Average: 5 (1 vote)
Rod's picture
Rod

Ang mga uri ng tula ay ang

Fri, 07/22/2011 - 11:09

Ang mga uri ng tula ay ang mga sumusunod?

1. Tulang Liriko o Tulang Damdamin ay nagpapahayag ng karanasan, kaisipan, damdamin, at pangarap.  Ito ay maikli at payak.

2. Tulang Pasalaysay ay naglalahad ng makukulay at mahahalagang tagpo sa buhay tulad ng pag-ibig, pagkabigo at tagumpay.  

3. Tulang Patnigan ay sagutan ng mga nagtutunggaliang makata sa pamamagitan ng tula.  Isang halimbawa nito ay balagtasan.

4. Tulang Pantanghalan o Pandulaan ay binibigkas ng mga tauhan ng isang dula sa entablado sa paraang patula.  Ang sarswela at komedya ay mga halimbawa ng tulang pantanghalan.